Free website/server/email monitoring and status alerts

Frequently Asked Questions (FAQ)

2. Ang iyong downtime report ay parang mali at magkasalungat sa report na galing sa aking webhost.

Una sa lahat, kailangan mong malaman ang mga kaibahan ng aming sistema sa pagmamanman sa sistema ng iyong webhost:

  Ang aming Sistema ng Pagmanman Webhost
Nagsusuri galing sa iba't-ibang lokasyon sa buong mundo sa loob ng data center
Nakaka-detect ng website/server downtime at internet "congestion" o breakdown website/server downtime lamang
Nag-uulat ng lahat na downtime hindi nakatakdang downtime lamang (hindi inuulat ang nakatakdang downtime)

Dahil sa mga pagkakaibang ito, ang mga nauulat na downtime ay maaaring magkaiba.

Tandaan lamang po na ang lahat ng aming nauulat na downtime ay kompirmado sa iba't-ibang istasyon ng pagmamanman sa buong mundo.

Ang internet ay isang gateway-based system na konektado sa isa't-isa at ang "routing" ay aktibong kinokontrol ng mga protocol tulad ng BGP. Ang paulit-ulit na problema ng koneksyon ay maaaring mangyari dahil sa pagsisiksikan [congestion] o iba pang isyu o problema. Kung makakakita ka ng maikling downtime paminsanminsan, maaaring hindi ito dapat na problemahin. Gayon pa man, kung ang downtime ay paulit-ulit na nangyayari, maaaring may problema ang iyong webhost o ang "upstream" provider nito.

Nakakakita kami ng mga kaso na nagre-report kami ng downtime ngunit ang kustomer ay nagsasabing wala silang napapansing problema sa panahong iyon. Dahil sa katangian ng internet, posibleng ang problema sa koneksyon ay nakaka-apekto lamang sa "traffic" galing sa iilang lokasyon lamang. Maaaring ang dahilan nito ay ang mga panandaliang problema sa isang "peering network" sa "backbone". Kung kaya maaaring hindi mo nararanasan ang aming napupunang downtime.

Kalimitan, ang pinakamainam na tagapagpasya ay ikaw. Pwede mong tingnan at suriin ang mga talaan o log ng iyong server/website o pwede mo ring kunin ang feedback ng iyong mga kliente.

Gayon pa man, kung pakiramdam mo ay nagre-report kami ng maling downtime, mangyari po lamang na kontakin kami para makagawa kami ng imbestigasyon.